Munting Pangarap

Isang umaga ang mga bata na musmos pa lamang, hindi katangkaran at namamayat sa kanyang pisikal na kaanyuan. Palaboy-laboy, naglalakad at naghahanap ng makakain para sa kanyang almusal kasama ang ibang mga bata na namamalimos at naghahanap ng kanilang makakain. Sila ay paikot-ikot sa isang bahagi ng Magario.

“Antonio! Antonio! Antonio! halika rito, may nakita ako. Dali, bilisan mo antonio…” saad ni Sara, isang babae na tumayong ina at panganay kila Antonio

“Ito na, saglit lang ate sara. Ano po ba kasi yang nakita mo? Mamaya kung ano-ano nanaman iyang nahagilap mo.” saad ni Antonio, isang bata na namamalimos at kumakalakal sa araw-araw. Isang batang nangangarap na makapagtapos at makamit ang kanyang tagumpay.

“Tignan mo, may pagkain rito tatlong manok at spaghetti galing Jolliana. Masarap ang mga pagkain dun, hmmm amoy pa lang nakakatakam na at ito'y ating pagsaluhan mamaya.” saad ni Sara ng may malaking ngiti sa kanyang labi at puno ng saya

Oo napaka-sarap nga ng iyong nahagilap pero dapat mas unahin mo ang sarili mo, dahil pinaghirapan mo ito. Di naman masama na magbigay sa iba, basta titirahan mo ang sarili mo.” saad ni Antonio

“Kahit na, mahihiya ka pa ba sa akin? Parang di tayo magkaibigan niyan, halos magka-pamilya na rin naman tayo rito.” saad ni Sara.

“Sabagay, tama ka naman roon ate. Ibahagi rin natin ito sa iba nating mga kasama, siguradong-sigurado ako masaya sila pag nakakain nito. Ayoko po na ako lamang ang makakatikim, dapat hati-hati tayo.” saad ni Antonio.

“Kain na, mga kapatid. Tara at ating pagsaluhan itong biyayang pagkain.” saad ni Sara.

Napag-isipan ni Antonio na lumabas, nais niyang pumunta sa lumang bodega kung saan siya naturang nagbabasa. Mahasa ang kanyang kaalaman at makatuklas ng mga bagong ideya.

“Kumain na kayo, ako’y nakakain na. Babalik ako rito mamayang hapon, magbabasa ako at kakalap ng libro. Baka may makita ako na magandang akda at aking pag-aaralan.” saad ni Antonio.

“Sama naman ako dyan kuya tonio, gusto ko rin matuto magbasa. Turuan mo naman ako at idolo kasi kita sa iyong kasipagan.” saad ni Andres, mas nakakabata kay Antonio at isang umidolo kay Antonio.

“Oo nga kuya matuto rin kami, ngunit alam naman namin mas may kakayahan kang turuan kami at nais mo rin lumikha ng libro. Pag nakamit mo ang mga pangarap mo, huwag mo kami kakalimutan.” saad ni Ana, pinakabata sa kanilang apat.

“Oo nga, aasahanin namin yan. Alam naman namin, na mas karapat-dapat ka kesa sa amin.” saad ni Andres.

“Ano ba kayo, lahat naman tayo ay karapat-dapat sa edukasyon at matamasa ito. Huwag niyo minamaliit ang mga kakayahan niyo, laban kung laban at mangarap.” saad ni Antonio ng may kumpyansa.

“Patawad Tonio, may mga pangarap kami kaya lang mas nais naming makita ka matupad ang iyong pangarap at susunod kami sa iyong yapak” saad ni Andres.
“Walang masama mangarap, tayo ay manalig at magtiwala na lahat ng problema ay may hangganan” positibong tugon ni Sara

“Ana, Andres, at Ate Sara! Ako ay aalis muna, papunta ako sa lumang bodega malapit sa atin. Mag-iingat kayo at babalik ako bago maghapunan.” bilin ni Antonio

“Kami na bahala rito, mag-ingat ka rin.” tugon ni Sara.

“Makakaasa ka tol, ingat ka.” tugon ni Andres.

“Opo kuya, magpapakabait ako. Dalhan mo ako kuya ng librong pambata yung may mga larawan tapos may kulay. Ingat ka kuya antonio, aantayin po kita.” saad ni Ana ng may ngiti sa labi nito.

Nang makarating si Antonio, hindi niya maatim na makapagbasa at mamangha sa mga libro na kanyang nasilayan. Hindi niya inaasahan ang araw na ito at makilala ang tutulong sa kanyang pangarap.

Mukhang ang ganda ng libro na aking nahagilap, ito’y makatarungan sa layo ng aking nilakad. Mabasa nga ito muna hmmmm. Ang munting prinsipe, isang masayahin na bata ngunit di malaya. Pinagkaitang makasalamuha ang makatotohanang buhay sa labas.” bulong ni Antonio sa kanyang sarili.
“Bata, bata! Ano ang iyong ginagawa rito sa maalikabok na lugar na ito? Hindi ba delikado dito o kaya magkasakit ka?” tanong ni Mang Rey ng may kuryosidad, isang awtor at empleyado ng Rex.

“Ako po ay laging narito tuwing hapon, nangangalap ng lumang libro at nagbabasa.” tugon ni Antonio

“Kaya pala ikaw ay naririto, hindi ko maatubilin ang iyong dedikasyon sa isang pangarap. Ako ay natutuwa sa iyong hangarin sa buhay, nais ko maibahagi ang iyong kwento na maaaring makapag-bigay aral sa nakakarami.” saad ni Mang Rey.

“Ako po ay nagandahan sa libro na iyong nailimbag. Napakagaling niyo pong manunulat, nakakapulot po ako ng aral. Sapat na po ang libro na ito.” batid ni Antonio ng may malaking ngiti at galak sa puso

“Huwag ka mag-aalala, pagkatapos ko ma-ilikha ang aking akda. Panigurado makakapag-aral ka at makakamit mo ang iyong pangarap.” “Hindi handlang ang kahahirapan upang hindi ka na makapag-aral, lahat ng tao may pangarap. Hanggang may buhay may pag-asa, lahat ng iyong pangarap ay pagsumikapan upang makamit ito mula sa iyong pagpupursigi at dedikasyon makatapos. Magsilbing inspirasyon sa nakakarami at maging positibo lamang.” tugon ni Mang Rey

Nagkaroon ng ideya na ipasa ang kanyang journal na nilikha, nais niya maisakatuparan ang kanyang nais na makatulong sa batang henerasyon. Isang mas higit na biyaya ang dadating sa buhay ni Antonio. Kung saan nakaroon rin ng dahilan si Antonio upang mas magpursigi para makapag-aral at maging mabuting halimbawa.

“Sir Chael, magpapasa po ako ng journal ko. Isa po itong akda na nagbigay sakin ng inspirasyon at aral. Eto po ay malapit sa pinamigayan nating ng mga libreng libro na isinagawa po natin sa mga kabataan” saad ni Mang Rey

“Maganda itong oportunidad para sa atin at sa mga batang henerasyon” saad ni Sir Chael, isang attorney na blogger at awtor kung saan nagmamay-ari ito ng isang gawaan ng libro.

“Opo, siya ang bata na nakakuha ng atensiyon ko at makakapagbigay ng magandang ihemplo sa mga kabataan. Nais ko po mailathala ito upang magkaroon ng inspirasyon ang mas batang henerasyon.” saad ni Mang Rey kasabay ng kanyang ngiti.

“Nakakagalak ang ganitong bagay, nagsimula rin akong mahirap pero mas higit ang kanyang karanasan. Nais ko siyang tulungan at pag-aralin, maaari nating bigyan ng iskolarship ito hanggang kolehiyo at bigyan ng trabaho rito para sa kasalukuyan tsaka sa tingin ko may mararating itong bata na ito.” saad ni Sir Chael

“Sige po Sir Chael, ako po ay lubhang masaya dahil po rito. Sa wakas, tayo ay makakatulong kasabay po ng pagsasagawa ng ating hangarin sa ating trabaho.” tugon ni Mang Rey

Antonio si Mang Rey ito, may maganda akong balita para sayo.” saad ni Mang Rey

“Tuloy po kayo sa aming munting bahay, wala po akong maipapakain sa inyo.” saad ni Antonio

“Huwag ka na mag-abala pa, kami ay may dala rito. May maganda akong balita para sayo Tonio.” saad ni Mang Rey na may galak na tono.

“Upo po kayo at ano naman po iyon Mang Rey?” tanong ni Antonio

“May nais na kumausap sayo, Tonio” tugon ni Mang Rey
Hmmm sino naman po?” tanong ni Antonio
“Andito siya, kasama ko Tonio” tugon ni Mang Rey

“Magandang araw Tonio, ako nga pala si Atty. Michael Cruz ang may-ari ng Rex. Nakita kita noon sa mga libreng libro na pinamimigay namin sa aming proyekto ng aming kompanya at nais kong bigyan kita ng iskolarship at trabaho. Nagpapasalamat ako at naibahagi ni Rey ang iyong istorya.” sambit ni Sir Chael, na may saya at kalmadong tono.

“Matutupad na ang iyong pangarap Tonio, sa wakas at ikaw ay aking aasahan. Tutulungan ka namin at ng buong kumpanya parang isang pamilya.” tugon ni Mang Rey, na puno ng saya at halos maiyak ito sa tuwa.

“Nako po, malaking pasasalamat ng higit at taos po sa puso ko. Walang makakatumbas sa biyaya at oportunidad na ipinagkaloob niyo po sa akin, sobrang salamat po talaga Sir Chael, at pari rin sayo Mang Rey. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, Marami po akong natutunan. Ako ay makakapag-aral na muli at mangangarap, Ang kahirapan ay di sapat na dahilan upang di makapagtapos at dapat ipagmalaki ang iyong pinagmulan na magdadala sayo sa magandang kinabukasan, basta’t paghihirapan at manalig sa Poong Maykapal.” huling tugon ni Antonio, kasama ang halo-halong emosyon na nararamdaman hanggang ito’y naiyak rin sa sobrang saya na kanyang naramdaman.


                   --- Hannah Angela F. Perez

Comments

Popular posts from this blog

Sigaw ng Mag-aaral, Persepsyon ang Umiiral: Work Immersion Program ba ay Benepisyo o Pahirap?

REX Knowledge Center’s Cradle For Artworks