Bakit sa Bata?

Awit ng kabataan,
Mamulat sa katotohanan.
Ito’y ating paka-pakinggan,
Hudyat para sa bayan

Ang kakayahan ng bata
Ay di mo inaakala,
Ang pag-iisip at abilidad
Ay naiiba’t walang katulad.

Ang katalinuhan at karunungan
Inihandog ng ating mga magulang.
Ito’y biyaya na hindi mananakaw
Na tila ba ay bukal na umaapaw

Hindi ito madaling maglalaho
Na parang mga pangakong napapako.

Ang biyaya na kaloob ng ating mga ninuno
Ipinaglaban hanggang dumanak ang kanilang dugo
Upang umasenso at hindi mamiligro.
Ito ay pinayabong ng mga pinuno
Upang makabangon tayo

Sila ay nalipasan ng panahon
Parang nalagas na dahon,
Nagtatrabaho sa kasalukuyan
Nakaambag sa kinabukasan.

Ito’y produkto ng pagsusumikap
Parang haring araw na sumisikat,
Nagbibigay-gabay at kaalaman
Sa isip at puso ng kabataan.

Watawat ay wumawagayway
Parang librong ibinibigay,
Mga paslit na walang muwang
Hayaang sila ay maglakbay
Ng ang bata ay magtagumpay.

Mga bata ay ipalitaw
Karunungan ay matanglaw,
Iwasang pag-asa ng lahat ay pumanaw
Nang di matulad sa bayang uhaw.


Jorell U. Dizon
Anthony Tolibas-Gregorio II

Comments

Popular posts from this blog

Sigaw ng Mag-aaral, Persepsyon ang Umiiral: Work Immersion Program ba ay Benepisyo o Pahirap?

Munting Pangarap

REX Knowledge Center’s Cradle For Artworks